"FILIPINO WIKANG MAGPAPALAYA"

                    "FILIPINO WIKANG MAPAGPALAYA"

  Maligayang pagdating sa aming blog na may temang "Filipino Wikang Magpapalaya." Sa blog na ito, AMING, ATING tatalakayin ang kahalagahan ng wikang Filipino sa ating kasaysayan, kultura, at pagpapalaya.

 Ayon kay Pail at  Shovel Integrated School,
"habang napag-iingatan ang isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kaniyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kaniyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip. 

Ang wika ang pag-iisip ng bayan." - José Rizal, El Filibusterismo
 
•Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino
 

 Ayon kay Henry Gleason ang wika ay sistematikong balangkas ng mga binibigkas na tunig na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang maggamit ng mga taong may iisang kultura.

Ang wikang Filipino ay hindi lamang isang paraan ng komunikasyon, ito rin ay isang patunay ng ating pagiging malikhain at matatag bilang isang bansa. Sa pamamagitan ng wikang ito, natutunan nating ipahayag ang ating mga damdamin, karanasan, at pananaw sa mundo.

 Ang wika ay isang mahalang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. 
 
Maraming pangyayari ang nagbigat daan para mabuhay ang Wikang Filipino ang pagkakaroon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon ang iyo, akin, ating buhay: noon, ngayon at bukas.
 
•Ang Kagandahan ng Filipino sa Panitikan
 Ang Filipino ay isang wika ng pag-ibig, pag-asa, at pakikibaka. Sa pamamagitan ng panitikan, ipinapakita natin ang kahalagahan ng ating wika sa pagpapahayag ng ating mga saloobin at ideya. Ang mga akda nina Jose Rizal, Francisco Balagtas, at iba pa ay patunay ng ganda at lakas ng wikang Filipino.  Ayon kay Nuay A.M.(2020) Marami sa mga kabataan, TAYO, IKAW, KAMING mga kabataan na hindi na mahilig magbasa dahil sa makabagong teknolohiya. Kung sa gayon ay nararapat lamang na maipalaganap ang panitikan dahil baka ang mga tao, IKAW, AKO, TAYONG mga tao ay mapahamak sa mga maling desisyon. Ang panitikan ay mayroon itong layunin na pagyabungin ang ating mga natutulog na kaisipan. Ang dati nating gutom sa kaalaman ngayon ay magiging busog na at makatutulong sa ating pag-unlad.

•MGA HALIMBAWA NG PANITIKAN SA PILIPINAS

 
•Ang Filipino Bilang Sandata sa Pagpapalaya

 Ayon kay David, R.S.(2015) Ang wika bilang instrumento ng pambansang pagpapalaya, higit pa sa pagkilos tungod sa pagpapalaganap ng sariling wika ang susi sa pambansang pagkabihag. Bukod sa tunay na may tiyak na malaking papel na prosesong panlipunang pagpapalaya ang wika at maiuugat rin ang suliranin sa pambansang pagkabihag bunga sa kawalan ng pagpapahalaga sa kakayanan bilang isang bansa.

 Sa panahon ng kolonyalismo at pang-aapi, ang wikang Filipino ay nagsilbing sandata ng ating mga bayani sa pakikibaka para sa kalayaan. Sa pamamagitan ng paggamit ng ating wika, ipinakita natin ang ating pagmamahal sa bayan at ang ating determinasyon na makamtan ang kalayaan.
 
•Ang Hamon sa Kasalukuyan

 
 Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang laban para sa pagpapalaganap at pagpapahalaga sa wikang Filipino. Sa pamamagitan ng edukasyon, kultura, at sining, maaari nating patuloy na ipagmalaki at ipaglaban ang ating wika.

 Isang hamon na kinakaharap sa larangan ng edukasyon ayon kay Ordoña, C.J.P (2022) Hindi na lingid sa ating kaalaman ng mga isyung kinakaharap ng ating bansa, particular sa edukasyon. Lalong-lalo na milyun-milyong Pilipino ang problemang pinansyal na dumadagdag sa dahilan kung bakit lumalala ang problema sa edukasyon.Tunay nga na hindi lahat ay kayang sumabay sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, kahit na gumawa ng aksyon ang gobyerno na magbigay ng mga libreng kagamitan sa pag-aaral, hindi pa rin ito sapat sa ilang lugar dahil sa limitadong panustos. 

 Lahat ng ito ay dumagdag sa isyu ng lumalaking alalahanin ukol sa kasalukuyang sistema. Bagaman ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga ito ay isang mahusay na unang hakbang upang malaman kung saan tayo maaaring pumasok at tumulong sa sarili nating mga paraan. 

 Gayunpaman, ang pagbuo ng isang sistema na nagbibigay kapangyarihan sa mga kabataan ay nangangahulugan ng pagtulong sa kanila na maabot ang kanilang buong potensyal. Sa mga panahong ito, kailangan nila ng tulong sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga hindi gaanong may pribilehiyo kabilang dito ang mga bata sa lansangan lalo't higit ang kanilang karapatan na makamit ang dekalidad na edukasyon.
 
 Ayon kay Valbuena, H. (2020) Ang paglaban sa gutom at kahirapan sa pamamagitan ng pagbuhos ng tulong sa mga magsasaka at pagbubukas ng mga pagawaan at negosyo upang ibsan ang kawalan ng hanapbuhay. Namamamayagpag umano ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming pagamutan upang labanan ang mga sakit, at mga dagdag na paaralan na sumasagip sa mga dukhang kabataan, KAYO, AKO, TAYONG kabataan mula sa salat na kaalaman.
 

 Sa blog na ito, layunin kong maging boses ng pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino. Ako ay naniniwala na sa pamamagitan ng pagsusulat, pagbabahagi ng kaalaman, at pagtutulak sa pagpapalaganap ng wikang Filipino, maaari tayong magtagumpay sa pagpapalaya.
 

 
 Samahan ninyo kami sa paglalakbay, AKO, TAYONG na nagmamahal sa wikang Filipino at sa ating kultura. Sa blog na ito, sama-sama nating tuklasin AKO, IKAW, TAYO ang kahalagahan ng Filipino bilang wika ng pagpapalaya at 
pag-asa. 
 
 Magtulungan tayo sa pagpapalaganap at pagpapahalaga sa ating wikang pambansa.Sa blog na ito, layunin naming maging boses ng pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino. Kami ay naniniwala na sa pamamagitan ng pagsusulat, pagbabahagi ng kaalaman, at pagtutulak sa pagpapalaganap ng wikang Filipino, maaari tayong magtagumpay sa pagpapalaya.
 
 Maraming salamat sa pagtangkilik sa aming blog na may temang "Filipino Wikang Mapagpalaya." Sana'y maging inspirasyon at gabay ito sa ating pagmamahal sa ating wika at bansa. Mabuhay ang Wikang Filipino!

MEMBERS 
•Pacquiao Floranel
°Delos Reyes Dave Eliezhar 
°Tamarra Rancy 
°Tesoro Mary Ann 
°Trazona Julius
 
 
 

Comments